ABENGBENG :*

noon ko pa gustong magbigay sayo ng ganto eh.. ibibigay ko sayo bilang gift :D kaso.. sa tagal ko ng iniisip kung pano gawin to, sa totoo lang di ko pa din alam kung pano ko ba to sisimulan.. behbeh mo kasi ang bagal mag isip eh hahaha.. kitamo ngayon ko lang natapos? sumakto lang sa valentines day haha. HAPPY VALENTINES DAY AT ADVANCED HAPPY MONTHSARY! thanks sa tumblr :D

para sayo lang to, ABBY JOSE y LEGASPI.

.

Nagkakilala tayo sa chat :) “net world”.

\

/

\/

CHAT? chat LANG? nila-lang lang yun ng iba.. pero sakin naging mahalaga yun simula ng makilala kita.. kasi dun tayo nagsimula diba? :)

\

/

\/

ewan ko ba kung anong nagustuhan ko sayo.. pero basta nung makilala kita, hindi ko akalaing magiging napakaimportanteng tao mo para sakin :)

basta lagi lang tayong nagchachat diba? tapos yun na.. naramdaman ko na lang na napakaspecial mo sakin.. 

lagi kitang iniintay na mag online para makachat ulit kita tapos magpupuyat nanaman ako tapos kinabukasan ganun ulit.. iintayin kitang mag online at magpupuyat ulit ako para makachat ka hahaha :D

na-love at first chat lang ako sayo behbeh :x

bakit kasi ang layo natin sa isat isa no?

pero kahit na maraming babae sa paligid ko.. ikaw pa rin ang gusto ko..

kasi para kang pokemon eh.. (bakit?)

because I CHOOSE YOU! at para ka kasing coke..

hindi ka lang SAKTO.. ikaw pa ang happiness ko :”>

chat chat chat.. puro lang chat.. kahit ang layo layo mo sakin , kapag kachat kita feeling ko malapit ka lang sa tabi ko :)

-‘Cause you’re everywhere to me

And when I close my eyes it’s you I see 
You’re everything I know 
That makes me believe 
I’m not alone

\

/

\/

alam kong parehas tayong nahihirapan sa sitwasyon natin, sa paraan ng komyunikasyon natin.. pero kaya naman natin diba? kinakaya natin :)

kaya kung minsan kapag nagkakatampuhan tayo ang pangit sa pakiramdam diba? :(  nihindi ako mapakali kapag hindi tayo nagkakaayos kagad.. halos hindi ako makatulog..

yung feeling na gusto ko ng lumusot sa monitor para makasama ka lang? :(

tapos kapag malungkot ka at may problema ka lulusot na lang ako sa monitor para yakapin ka? kung pwede lang sana.. :(

walang araw na di ako nasasabik na makasama kita.. walang araw na di ko naisip “ano kaya kung nandito ka? :”> “, habang lumilipas ang araw.. lagi kong sinasabi sa sarili ko na.. “malapit na din tayong magkitaaa.. :D “ 

di mo alam kung gano ako kasaya kapag nakakausap kita.. di mo alam kung gano ako kalungkot kapag di kita nakakausap.. kaya simula nung unang beses kitang makausap.. di ko alintana ang hirap mag adjust ng oras para makausap kita.. 

\

/

\/

kahit na mahirap mag aral kapag puyat? ok lang sakin kasi ikaw naman ang inspirasyon ko sa lahat ng bagay eh.. naadik na talaga ko sayo noon pa lang.. kahit anong gawin ko lagi ka na lang sumasagi sa isipan ko.. :”> 

walang araw at gabi na hindi kita naiisip. minsan pa nga kapag iniisip kita pumupunta pa kong kwarto eh hahaha

kasi ayoko ng may istorbo kapag pinapangarap kita 8-> 

\

/

\/

hanggang sa makatulugan ko na hahaha.. pero asahan mo sa pag gising ko habang nagmumuni muni ikaw ulit ang iniisip ko :> 

nagpupuyat ako kasi ito nagpapasaya sakin.. ang makausap ka isang beses sa isang araw nagiging ok ako.. nagpupuyat ako kahit na sinasabi nilang “nagpupuyat ka ng walang kabuluhan”.. di naman kasi nila alam ginagawa ko eh.. pero ang di nila alam.. IKAW ang pinagpupuyatan ko para makausap kita :) ginagawa ko yun kasi mahal kita :)

bilib ako sayo kasi ang GAGO na AKO, binago mo. IKAW ang nagbigay kabuluhan sa buhay ko. at lalo akong bumilib sayo kasi, biruin mo sa tigas kong toh.. napaamo mo ako :)

\

/

\/

alam mo ba.. di na ko makapaghintay na makita ka?

\

/

\

/

\/

at mag-propose sayo :)

alam mo, pag nagkita na tayo.. ang gusto kong gawin ay pakasalan ka na :D para di ka na makawala sa piling ko :”> 

sinabi ko yun (na gusto kitang pakasalan) hindi lang dahil crush/type/gusto kita.. MAHAL KITA. di na ko isip bata para sabihin yun sayo. kung alam mo lang, sayo na ko nagmature.. sayo ko natutunan ang maraming bagay kahit di mo naman tinuro sakin.. basta natuto lang ako ng dahil sayo 

\

/

\/

dati ang buhay ko walang patutunguhan.. ginagawa ko lang lahat ng gusto kong gawin kahit na mapasama ako.. basta kung anong maisipan, yun na. pero simula nung makilala kita.. tumino ako kahit di mo ko sinabihan :) naramdaman ko sayo na mahalaga pala ang buhay ko.. samantalang ako, hindi ko pinapahalagahan ang mismong buhay ko :)

kaya nga ang swerte ko kasi naging girlfriend kita :) pano na lang siguro kung hindi ka pinakilala ng Diyos sakin? ano na lang kaya ako ngayon? siguro mas malala pa o kaya di ko man lang ako umabot sa edad kong to :)

\

/

\/

kaya ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda natin.. hindi dahil sa trip ko lang.. alam kong magiging mabuting asawa ka sakin. marami na tayong pinagdaan at nalampasang hirap kahit di pa tayo nagkakasama.. eh pano pa kaya kung magkasama na tayo? sisiw na lang siguro yung hirap noh?? hahaha.

\

/

\/

marami akong pinangarap ng kasama ka at

napakarami kong gustong gawin ng kasama ka..

\

/

\/

syempre unang una, ang mayakap ka

yayakapin kita ng mahigpit na mahigpit ng halos hindi ka na makakawala sa piling ko

lagi na tayong magkasama simula umaga hanggang sa gabihin..

susulitin natin ang bawat segundo na magkasama tayo

gagawin natin lahat ng gusto natin.. gagawin natin lahat ng bagay na hindi natin nagagawa dahil sa distansya natin sa isa’t isa

ikaw na ang magiging kalaro ko hahaha.. 

laging magkahawak kamay nating dalawa.. 

at hanggang sa pagtulog mo babantayan kita :”>

eenjoyin ko ang araw araw kang kasama.. at araw araw ko papatunayan sayo na mahal na mahal na mahal kita..

\

/

\

\/

ipagsigawan ko sa lahat at sa buong mundo na ikaw ang babaeng mahal ko.. minamahal ko.. at paulit ulit na mamahalin ko..

kahit na bugnutin ako.. basta para sayo kayo kong maghintay at magpasensya.. 

kahit maging kaaway ko na ang lahat ipaglalaban kita..  kahit na imposible gagawin ko para sayo.. 

kaya kong magtiis para sayo.. basta lahat para sayo kakayanin ko..

kasi ikaw ang dahilan at kailangan ko para maging malakas :>

\

/

\

\/

hindi natin hahayaan na kahit sino o ano man ang may sumira at humadlang sa relasyon natin :) 

\

/

\

\/

para sa mga epal sa buhay natin.. eto sila oh! 

akin ka lang at sayo lang ako.. wala ng eextra pa :> 

kapag nagkasama na tayo forever.. yun na ang pinakamasarap at pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko. kasi ikaw lang naman ang babaeng pangarap ko.. at sinisigurado ko kapag nangyari talaga yun.. araw araw tayong magiging masaya :D 

\

/

\

/

\/

pero kahit ganun pa man.. hindi ako perpekto para ipangako sayo na hindi kita sasaktan.. darating din ang araw na susubukin tayo ng panahon.. masasaktan kita.. magseselos ka ng hindi ko alam.. magkukulang ako sayo at alam kong magkakaron din tayo ng di pagkakaintindihan.. “love without pain is just a game”. kasi normal lang naman yun sa relasyon diba? at alam ko namang maaayos rin naman natin kagad yun eh.. alam mo namang hindi kita kayang tiisin.. kung alam mo lang kung gano kita kamahal.. ikaw na nga gusto kong mapangasawa diba? kaya magpapakasal pa tayo.. payag ka ba? alam ko naman sagot mo eh..

“OO” diba? hahahaha

at kapag kinasal na tayo.. pwede na tayong magkababy! :”> 

\

/

\/

at dun magsisimula magiging daddy na ko! at ikaw magiging mommy :”> 

\

/

\/

at bibigyan natin sya ng kapatid :”> 

pinangarap natin na 4 ang magiging anak natin.. may mga pangalan na nga sila diba? hahahaha :D (Nicchrome, Aviale, Bryale, Haleby) 

parehas natin silang mamahalin.. aalagaan.. bibigay natin lahat ng gusto nila.. palalakihin natin sila maayos.. bibigyan natin sila ng magandang kinabukasan. magiging mabuting magulang tayo para sakanila diba? :> at habang lumalaki na sila.. tayo naman tumatanda na :) 

magkasama tayong tatanda ha?? ;)

\

/

\

\/

alam mo kung ano to?? 

\

/

\

/

\/

-aborted chick! (balot/balut) hahahaha

kapag tumanda na tayo ibibili kita niyan para pampatibay ng tuhod mo :D hahaha. para makapag-date pa din tayo :”> hahahaha

at lagi pa rin tayong magkasama..

magmamahalan lang tayo ng magmamahalan ng walang katapusan ha? 

\

/

\/

kahit pa ma-tigang na tayo nun. tsk

\

/

\

/

\/

pero ang puso ko di matitigang sa pagmamahal sayo 

di rarayumahin ang braso ko kakayakap sayo

magiging sweet pa rin ang mga lips ko kakahalik sayo 

at di mapapasma ang kamay ko kakahawak sa kamay mo

\

/

\/

sa pagtanda natin..

ipapauso ko ulit sayo ang mga “cheesy lines” 

tas balak ko ulit ligawan ka :”>

magpakipot ka ulit ha? hahaha.

tapos magsasawa ka na sa pagiging pakipot..

edi sasagutin mo ulit ako :”>

edi tayo na?

yayayain kitang lumabas

magde-date tayo sa mall.

ililibre kita para kumain sa mcdo

ikaw muna papaunahin kong kumain

bakit?

kasi ginagamit mo pa pustiso ko eh :”>

\

/

\/

ngingitian pa din kita kahit wala na kong ngipin..

tapos aasarin mo ako.. sasabihin mo, “AHH WALANG NGIPIN!”

tapos tatalsik yung pustiso mo, ngingitian ulit kita at lalapitan

yayakapin kita at sasabihin ko sayong.. “shh.. ako lang nakakita”

\

/

\/

o kaya naman.. makikipagsabayan tayo sa mga magiging apo natin hahahah! makikipagkulitan, makikipaglaro, mamamasyal at kasamang mantrip? hahahaha. na-imagine mo ba yun? mas makulit pa lolo at lola nila sa kanila eh =)) 

\

/

\/

o diba ang saya? kahit na matanda na tayo bagets na bagets pa din ang dating.. walang magbabago.. tumatanda man tayo.. patuloy pa rin tayong magmamahalan.. hinding hindi ako magsasawa sayo.. promise :) wag ka rin sanang magsasawa sakin ha? wala na kasi akong ibang hinangad na babaeng makakasama ko habang buhay kundi ikaw lang talaga eh :) kaya sana bigyan pa tayo ng maraming pagkakataon para maiparamdam sa isat isa na nagmamahalan tayo :D at sabay nating tutuparin lahat ng mga pangarap natin :> 

TIL DEATH DO US APART?

“Ikaw na nga ang destiny ko, ang soulmate ko, ang kabiyak ng puso at buo kong pagkatao, ikaw ang first love ko, ang true love ko, bestfriend ko, asawa ko at higit sa lahat, ikaw na ang magiging daddy ng magiging mga anak natin!!”

behbeh ko, gusto ko lang malaman mo na ang makilala kita ay ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko at napakaswerte ko simula nung ipinakilala ka ng diyos sakin.. binago mo ako.. natuto akong magmahal ng totoo.. natuto akong magbigay.. natuto akong maghintay.. natuto akong magpasensya.. napabuti ako dahil sayo.. natuto akong mangarap ng dahil sayo.. at swerte ko kasi lahat ng katangian ng mabuting girlfriend nasayo na.. o diba? napakaswerte ko talaga. ano pang hahanapin ko kung sayo pa lang kumpleto na? sabi ko nga sayo para kang mall eh.. kasi YOU GOT EVERYTHING I NEED ;) haha. kaya wag mo kong iiwan ha? wala na kasing mag mamahal ng katulad ng pagmamahal mo sakin kapag nawala ka :( mag iingat ka rin parati.. magkikita pa tayo diba? :”> pero sa ngayon.. wag kang magselos sa mga babaeng nakakasalamuha ko araw araw.. kasi wala naman akong pakialam sakanila eh.. kasi ikaw lang talaga :> at wala ng gaganda pa sayo.. kasi para sakin ikaw na ang babaeng piiiiinakamaganda sa buong mundo! binibini ng buhay ko handa kong ialay ang lahat sabihin mo lang at gagawin ko para lang sayo. handa kong ibigay lahat ng sakin sayo hinding hindi ko kayang mawala ka sakin.. ikaw ang dahilan ng aking paghinga.. sanay habang buhay na kita na makasama pagkat MASAYA KO SAYO. salamat behbeh at lagi kang nandyan para sakin ha? lagi mo kong pinapasaya.. salamat sa tiwala at pagmamahal! salamat din sa lagi mong pag unawa at pagpasensya sakin.. kahit ang gulo gulo ng behbeh mo :)) sorry behbeh kung hindi kita mabigyan ng flowers at chocolates ah? wag kang maiingit sa mga nagcecelebrate ng valentines day na magkasama sila.. masama yun! hindi bale kapag nagkita na tayo araw araw nating icecelebrate ang valentines day :> HAPPY VALENTINES DAY! at HAPPY MONTHSARY SATIN! I love you! Mahal na Mahal na Mahal kita, ABBY JOSE y LEGASPI! -15.


1 note

  1. nicavryaleby posted this