Nang muling kang tinaboy.. ilang tagpo ng sinaktan
sa dami ng pagkakasala ko bakit pinagbigyan
maraming pagkakataon na tayong nagkahiwalay
at tinanggap pa rin kahit pasakit lang ang binigay
alam ko na sadyang malayo estado ng ating buhay
ngunit nagpakumbaba ka upang baliin ang sungay
at di ka tumutol kahit na ano ang desisyon
ako ang nasunod sa loob ng isang taon
Di mo iniwan, di pinabayaan ngunit sa halip
ikaw ay nagbulagbulagan na para bang may takip
ang iyong mata’t isinantabi lahat ang mga narinig
kulang na lang lagyan ng —- saluhin ng pandinig
Ikaw ang gumabay upang maituwid ko ang landas
hindi na dapat —- ang nais mang api sakin
salamat mahal pagkat nakuha mong magtiis
sa relasyon natin hinalo mo ang tubig sa langis
Dumating ang takdang araw ng paglisan sa pinas
patungo sa lugar na kung saan ay di na madalas
ang pag uusap nating dalawa merong limitasyon
at makikita ka na lamang sa imahinasyon
Mahirap man ang sitwasyon ay di ka pinanghinaan
ng loob at tinabayan ang iyong pinanghahawakan
ang pagmamahal upang maitaguyod ang pag ibig
sakin di ka bumitaw.. patuloy kumapit sa bisig
ang tanging hangad ko lang sa pagkakataon na ito
ay mapunan ang pagkukulang na di binigay sayo
hayaan mong ipadama sa pamamagitan ng awit
ang pag ibig na sa puso mo noon dapat sinabit
Itong awitin kong ito’y handog ko sating ANIBERSARYO
sanay di na matibag magpalit man ng kalendaryo
at kahit lumipas ang taon sanay nandyan ka pa
yun na lamang ang tanging hiling sa Diyos Ama
IKAW NA ANG BABAENG NAIS IHARAP SA DAMBANA
BABAGUHIN ANG LAHAT HINDI MAN TAYO ITINADHANA
salungat man ang iba at tutol sa pagmamahalan
ipapakita sa lahat na kayang patuyan
Na taos sa puso ang nadaramang pagmamahal
hanggang sa dumating ang araw na tayoy ikasal
SAYO ipagkakatiwala ang BUO kong pagkatao
ang ibigin ka ng lubos ng hindi na itinatago